Mapapalawak ang bokabularyo ng mga
kabataan at mabubuksan ang isip ng mga taong makakakita sa Vlog (Video Log) na ito.
Mapupunan rin ang mga pagkukulang ng ibang mga pag-aaral kaugnay sa napiling
paksa. Mahalaga ang pag aaral na ito sapagkat maisasakatuparan ang mga naibigay
na layunin. Magagamit ang mga natutunan rito sa mga pag aaral at pananaliksik
ng mga susunod na henerasyon. At higit sa lahat, mapapaunlad at mapapagyaman
natin ang Wikang Filipino.
#Makafilipinosyonaryo: Adbokasiya Tungo sa Makabagong Pagpapalaganap ng Kahalagahan ng Wika
Ang adbokasiyang ito ay adbokasiya ng ilang mag aaral na kasalukuyang kumukuha ng programang KomaKad o Komunikasyon sa Akademikong Filipino sa unibersidad ng De La Salle Lipa.
Translate
Biyernes, Setyembre 25, 2015
Ang Nilalaman ng Adbokasiya
Sa pamamagitan ng internet, ang adbokasiya ay tuwirang mapapalaganap. Pinamagatan itong #MakaFilipinosyonaryo hango sa salitang Maka Filipinong
Diksyunaryo. Bagamat ito ay may simpleng format lamang, malaki ang maiiaambag
nito sa sa mga tao na maaari nilang magamit kung kinakailangan. Dito ay
nakapaloob ang mga matalinhagang salita na maaring hindi alam ng iba o
di kaya naman ay mga salitang bihira nang ginagamit ngayon at ang katumbas
nitong kahulugan. May maka Filipino rin itong background na mula sa Google
Pictures na isasama rin sa “citations”. Ang ilang mga HUGOTWords din nito ay nakapanghihikayat sa mga taong basahin at
ibahagi sa iba. Maaring ito ay i “share” gamit ang ilang social networking
sites, gaya ng Facebook, Twitter, Instagram at iba pa. Makikita ito sa mga
newsfeeds na maaring I like, I share or mag comment bilang partisipasyon sa
nasabing adbokasiya.
Nauusong mga Salita
Dahil nga sa pagkakaroon ng mga isyu sa wika, kagaya ng paglaganap ng “Slang”, “Conyo”, “Jejemon”, at “Beki Words”, sa Internet man o sa saan mang sulok ng mundo kung saan umiiral ang pakikipagtalastasan, nagbigay daan ito sa amin upang makaisip ng naturang adbokasiya na may kinalaman sa isyung pang wika. Sa adbokasiyang ito, nakapaloob dito ang mga hakbang na naisagawa na at isasagawa pa na tunay ngang makakatulong sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon.
Lunes, Setyembre 21, 2015
#MakaFilipinosyonaryo, Adbokasiya Tungo sa Makabagong Pagpapalaganap ng Kahalagahan ng Wikang Filipino
“Tuklas Talinhaga, sa Filipinosyanaryo Mahihinuha”
Sa paglipas ng panahon, malaki ang nagagawa ng Internet sa paraan ng pakikipag komunikasyon ng mga tao, lalo na sa mga kabataan na mahilig gumamit nito. At dahil rin sa makabagong teknolohiya, marami sa ating mga kabataan ay limot na ang paggamit ng angkop na pananalita. Dahil dito nagkakaroon ng iba’t ibang isyu patungkol sa wika.
Kasabay nga ng malawakang globalisasyon, nawawala ang mga salitang naging pundasyon na ng wikang Fiipino. Mga salitang nakalimutan na at isinantabi na. Dahil nga sa iba’t ibang mga salitang nauuso ngayon sa mga kabataan, ang mga salitang minsa’y naging daan sa pagpapakita ng kagandahan ng ating kultura ay napapalitan ng mga salitang animo’y walang katuturan at tila ba hindi pinag isipan. Ang mga salitang gaya ng maganda, ay napapalitan ng “chixx”, “wapings”, “bebot” o di kaya’y “ma-fes”.
Dahil sa mga isyung ito, nagkaroon kami ng isang adbokasiya kung paano kami makakatulong upang mas mapaunlad ang wikang Filipino at ito ay ang #MakaFilipinosyonaryo. Dito ay iisa-isahing ilahad ang kahalagahan ng pagpapanatiili ng mga salitang masasabi nating atin. Kung paano bibigyang halaga ang kahulugan nito at bakit mahalagang malaman ito ng mga kabataan sa panahon ngayon. Sa paraan ring ito, mas madaling maiikintal sa isip ng mga kabataan ang mga matatalinhagang salita sapagkat gagamitan ito ng Internet na madalas ginagamit ng mga tao ngayon, mapa bata man o mapa matanda.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)