Translate

Lunes, Setyembre 21, 2015




 #MakaFilipinosyonaryo, Adbokasiya Tungo sa Makabagong Pagpapalaganap ng Kahalagahan ng Wikang Filipino

“Tuklas Talinhaga, sa Filipinosyanaryo Mahihinuha”


         Sa paglipas ng panahon, malaki ang nagagawa ng Internet sa paraan ng pakikipag komunikasyon ng mga tao, lalo na sa mga kabataan na mahilig gumamit nito. At dahil rin sa makabagong teknolohiya, marami sa ating mga kabataan ay limot na ang paggamit ng angkop na pananalita. Dahil dito nagkakaroon ng iba’t ibang isyu patungkol sa wika.

        Kasabay nga ng malawakang globalisasyon, nawawala ang mga salitang naging pundasyon na ng wikang Fiipino. Mga salitang nakalimutan na at isinantabi na. Dahil nga sa iba’t ibang mga salitang nauuso ngayon sa mga kabataan, ang mga salitang minsa’y naging daan sa pagpapakita ng kagandahan ng ating kultura ay napapalitan ng mga salitang animo’y walang katuturan at tila ba hindi pinag isipan. Ang mga salitang gaya ng maganda, ay napapalitan ng “chixx”, “wapings”, “bebot” o di kaya’y “ma-fes”.

        Dahil sa mga isyung ito, nagkaroon kami ng isang adbokasiya kung paano kami makakatulong upang mas mapaunlad ang wikang Filipino at ito ay ang #MakaFilipinosyonaryo. Dito ay iisa-isahing ilahad ang kahalagahan ng pagpapanatiili ng mga salitang masasabi nating atin. Kung paano bibigyang halaga ang kahulugan nito at bakit mahalagang malaman ito ng mga kabataan sa panahon ngayon. Sa paraan ring ito, mas madaling maiikintal sa isip ng mga kabataan ang mga matatalinhagang salita sapagkat gagamitan ito ng Internet na madalas ginagamit ng mga tao ngayon, mapa bata man o mapa matanda. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento